Search This Blog

Tuesday, April 12, 2011

An Original Tagalog Poem (Tula): "Mga Pangako"



Mga Pangako

Kalahati ng buhay ko
ay inalay ko sa ‘yo
Minahal kita’t pinagsilbihan,
nirespeto’t inalagaan

Masaya ako sa piling mo,
lalo na sa ‘yong mga pangako
na habangbuhay mo akong mamahalin,
aalagaan, pasasayahin, at rerespetuhin

Ngunit isang araw ay may dala kang balita
na talagang ikinagulat ko at ako’y nabulagta
Nahulog ang loob mo sa iba,
at ikaw ay sasama na sa kanya

Nasaan, o nasaan, ang iyong mga pangako
na ako’y habangbuhay mong mamahalin, aalagaan, pasasayahin, at rerespetuhin?
Bakit mo ako iniwan nang ganito?
Di ko na alam ang aking gagawin

Pero lahat ng sakit na ‘yon ay may isang taon na ang dumaan
buhat nang ako’y iyong iiwan
Pero hindi na ako naghihinagpis ngayon
kasi natuto akong kumuha ng lakas sa Panginoon

Noon, sa aking pag-iisa ay aking nalaman
na ang tao pala ay may mga pangakong
pwedeng mabali at makalimutan
Pero hindi ang Diyos na Maykapal
kasi hinding-hindi Niya tayo iiwa’t pababayaan
at ito’y kasama sa mga pangako nya sa ating mga naniniwala sa Kanya

Nasaan, o nasaan, ang iyong mga pangako
na ako’y habangbuhay mong mamahalin, aalagaan, pasasayahin, at rerespetuhin?
Bakit mo ako iniwan nang ganito?
Pero ngayon, alam na alam ko na ang aking gagawin,
at ‘yon ay ang Panginoong Diyos ay habangbuhay kong rerespetuhin, susundin, at mamahalin

No comments:

Post a Comment

My Featured Post

Sun Cellular's CDO Bloggers Party

          Thank you, Sun Cellular! Last Feb. 11, 2013, we, the CDO Bloggers, were invited by Sun Cellular to a party in Seafood Island, Cent...