Search This Blog

Sunday, April 24, 2011

An Original Tagalog Poem (Tula): "Maraming Salamat, Panginoon"





Nung una kitang makilala,
binalewala kita
Kasi noon ay napakasaya ko
kasama ang aking esposo

Pero nung ako’y kanyang iniwan,
Kita’y muling nasilayan
At buhat nun ay litrato mo na ang aking itinago
sa pitaka ko para mabigyan ng lakas ang aking puso

Maraming salamat po, o Panginoon ko
Ang kaligayahang nadama ko buhat nang kita’y makilala ulit
ay sa katauhan ko’y bumalot na nang husto
at habang buhay ko, ang kasayahang ito’y ibibitbit

Sa pagmamahal mo’y wala na akong mahihiling pa
Habang tumatagal ay minamahal na rin Kita
Habang ako’y nabubuhay ay lagi kitang susundin,
mamahalin, at rerespetuhin

Maraming salamat, o Panginoon naming lahat, Panginoon ko
Ang kaligayahang nadama ko buhat nang kita’y makilala ulit
ay sa katauhan ko’y bumalot na nang husto
at habang buhay ko, ang kasayahang ito’y ibibitbit

Masayang-masaya ako ngayon at dahil sa Iyo ito
Maraming salamat, Panginoon   --ARV

1 comment:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete